Nung kabataan ko, dumaan ako sa phase na nahilig ako mag explore. Mas pinili kong matuto sa labas ng paaralan. I hung out with bad crowds. Nag experiment ng mga bagay-bagay. Pero, aaminin ko, ni minsan hindi ako naging adik, at least sa mga bagay na ‘di legal (struggle para sakin ang battles ko with alcohol and smoking). So, sa totoo lang di ko alam ang feeling na matawag or malabel ka na adik.
A few months ago, may nakasama ako sa inumang self-confessed na adik. Matagal ko na siyang kilala. Madami kaming common friends, pero we were never close. Itago natin siya sa letrang “G”. Unang beses kong nakita si G may wow factor talaga, gandang babae, very smart, funny, witty, andaming tattoo. So, like what normal nice guys would do in that kind of situation, tinanong ko tropa ko.
Me: Pre, yung chick na maputi na may tattoo, what’s her story?
Tropa: Wag yan pre, malakas gumamit yan. Adik yan.
This conversation happened a few years back. Teenager pa lang ako nun, (and I think she was on her late teens or early adulthood at that time), pero ang sabi ko sa sarili ko “Ha? Bat pala kung adik? Di na pwedeng kilalanin?”. Pero since may respeto ako sa tropa ko at sa edad ng tropa ko, pinakinggan ko. Ilang beses din kaming nagkasalubong ni G. Sa mall. Sa gala namin ng ibang tropa ko. Parties. Pero never kaming nagkausap. I actually don’t discriminate. Wala akong paki sa estado mo sa buhay, ke mayaman ka, mahirap, matino, sira-ulo, may asawa, may anak, kahit ano pa man, kung trip kitang kausapin, kakausapin talaga kita. So, nung nagkaroon ng chance na makapagusap kami, ‘di syempre, kinausap ko na.
Dinala siya ng isang babaeng tropa ko, pinakilala sakin. I don’t know kung bat sila acquainted, pero alam ko may druggie days din yung nagdala sa kanya. May mga kaibigan, exs, tropa at kakilala akong dating gumagamit. May mga kaibigan, exs, tropa at kakilala ako na hanggang ngayon gumagamit pa rin. G was sober that time. Sa totoo lang, medyo off siya kausap, pero cohesive din naman yung mga statements niya. Di kami masyado nagpapalitan ng words sa simula, hanggang sa namention niya na ilang beses na kaming nagkikita pero di talaga nagkakausap. Hahaha. Kuwinento ko sa kanya yung conversation namin ni tropa. Akala ko maooffend siya, pero she was actually cool with it.
G: I get that a lot naman, so ok lang.
Parang di usual na reaction yun. So tinanong ko sa kanya kung totoo ba. Short story: totoo, adik siya. Hanggang ngayon gumagamit siya, 7 years na siyang user ng shabu. Unlike before, konti na lang, pero madalas di niya kaya pigilin yung urges. Huminto na siya dati pero bumalik pa rin, nag replapse. Gusto man niyang itigil, hirap na siya, lalo na sa mga panahong sinusubok siya ng buhay at tadhana. Ang nasa isip ko sa mga oras na yun, “Taena, lumalabas akong chismoso.” Pero game makipag-usap si G. She didn’t withhold stuff. She told me why and how she started, anong feeling pag under the influence siya, etc., etc., etc. Sa lahat ng napag-usapan namin, isang statement niya sa kung bat hirap siyang itigil ang bisyo niya ang nag stick sakin. (I’m paraphrasing here.)
G: Aside sa physical aspect at psychological euphoria na nadadala ng bato, I guess ang isa sa mga rason kung bat hirap ako tumigil is not the pleasant personal perks pero yung unpleasant social side ng addiction. Gusto ko din namang makarecover, may suporta naman na galing sa mga nagmamahal sakin. Pero alam ko na di ko na matatanggal ang pagiging adik ko sa mga mata nila. Pag adik ka, susubukan kang tulungan ng mga mahal mo sa buhay, susubukan ka nilang isave, pipilitin nilang maging ok ka ulit, maging upright and functional member of the society. Pero, ang di ko matanggap eh yung truth na kahit pa mga mahal mo sa buhay, adik pa rin ang tingin sa’yo kapag natapos mo na ang rehab. Mawala ka lang ng ilang oras, iisipin nilang nasa playground ka na naman. Di ka lang makasagot ng tawag, iisipin nilang umiiscore ka na naman. Konting pagbabago lang sayo, pumayat ka, tumaba ka, sumaya ka, tumunganga ka, maging emotional ka, iisipin nilang gumagamit ka na naman. Huminto ka nga, pero sa mata nila adik ka pa rin. At habang buhay ka ng adik para sa kanila, magbago ka man or hindi. So, mas gusto kong mag adik na lang, at least alam ko na at nagagampanan ko na ang role ko. No one would be disappointed matapos nila umasa na magiging ok na ako kahit pa adik pa rin ang tingin nila sakin pagkatapos ko huminto. At least, alam ko na ang lugar ko sa mundo.
Shocking yun. Nakakabiglang marinig yun mula sa isang tao na hindi itinatago ang adiksyon niya. First time kong marinig ang rason na ganun. Madalas sasabihin ng mga dependents na ayaw nila kasi di pa problema ang bisyo nila, na hindi nila kaya kasi parte na ang droga sa mga buhay nila, na kulang sila sa suporta ng pamilya, pero ito, parang iba. Sa field namin, ibobombard sayo ang idea na social support ang isa sa mga pinakaimportanteng part ng recovery mula sa physical ailments, psychological disorders or addiction to any kind of substance. Pero, di nasasakop ng itinuro samin yung bagay na sinabi niya nung gabing nagkausap kami. Tama naman siya, nung nagkasyota ako dati ng recovering addict supportive ako, pero parang di ko pa rin nabigay sa kanya yung buong tiwala ko. May mga panahong naiisip kong baka gumagamit na naman siya pag di niya nasasagot mga text at tawag ko. Tiwala at stigma, mahirap nga namang kalaban yun, lalo na kung mula sa mga taong inaasahan mong iintindihin at pagkakatiwalaan ka. Sinali din niya yung depression na mararamdaman mo kapag nakaexperience ka ng relapse. Pero di lang dahil sa depression na mararamdaman mo dahil nabigo ka, mas binigyan niya ng emphasis yung depression na mararamdaman mo dahil sa nabigo mo sila.
G: If I wont try, hindi ako magfefail. Hindi ko mabibigo sarili ko, at ang mga taong umaasa na magiging maayos na ako.
A new way to view the phrase “No harm, No foul.”. Wala kang mabibigo, wala kang masasaktan, kasi nga alam mo na ang lugar mo sa mundo. Nung oras na sinabi ni G ang mga bagay na ‘to sakin, mababatid ang lungkot sa mukha niya. Nakatungong nakangiti pero nangungusap ang mata, parang humihingi ng pang-unawa, ng kaunting tiwala. Natameme lang ako. Wala akong nasabi.
Madalas, ang tingin natin sa mga katulad ni G ay mga salot sa lipunan. Nakakalimutan nating tao din sila, may pakiramdam, may katotohanang tanggap na ngunit nais takasan. Bago natapos ang gabing yun, gusto ko sanang hingin ang phone number niya. Pero, naisip kong, katulad din ako ng sinabi niya. Katulad ako ng mga taong gusto siyang tulungan pero di maalis sa likod ng pagtulong ang pag label sa kanya na adik. We parted ways and I told her to get better. Yun lang ata ang the best na magagawa ko. Umuwi akong sinasabi sa sarili kong kulang pa ang alam ko para makatulong. Ang saklap. Hehe.