Nung nasa late 20s ako, habang nasa isang inuman, may tropa akong nagtanong ng isang makabagbag damdamin na tanong. “Men, ano yung pinakavaluable na maari mong ibigay sa isang tao?”. Sober ako nun, mag iisang taon nakong nag decide na mag quit sa alcohol nung panahon na to. Nag-isip ako saglit, humithit sa nakasinding yosi at sumagot. “Time, pre.” Simple pero may lalim. Straightforward. Hindi kumplikado. Oras ang pinakamahalagang bagay na pwedeng ialay ng isang tao.
Tulad ng karamihan sa natatamasa natin, masama ang magkaroon ng sobra nito, masama rin ang maging kulang ito. Intangible pero quantifiable. Maraming nagpapahalaga, pero madalas napapabayaan. Pero ‘di tulad ng ibang pinahahalagahan natin, hindi ito nabibili, hindi na maaring makuha o madama ulit, at lalong lalo na hindi na ito maibabalik. Di tulad ng pag-ibig na madalas paulit-ulit tayong kinukulit, ang oras pag nawala ay kelan man di ka na kukulitin pa. Di ito tulad ng pera, hindi ito napagtratrabahuan para maparami. Para sakin, ang pagbibigay ng oras at panahon para sa mga tao sa paligid natin ang pinakamalaking proof ng pag-ibig. Oras para sa sarili constitutes to self-love, Finding time for others is a form of selflessness. Pero madalas, di natin ito napapansin o di kayay di natin to pinahahalagahan. Madalas natin itong sinasayang sa maling tao, o sinasayang ang inaalalay na oras ng mga nagpapahalaga satin. Nakakalungkot. Nakakadismaya. Sayang.
Pinahahalagahan mo ba ang oras mo? Ang oras na binibigay ng iba para sayo? Pinahahalagahan ba ng iba ang oras na nilalaan mo para sa kanila? Ikaw? San mo sinasayang ang 2 minutes mo?
“FLIPTOP GAME?!?”